Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sisimulan ang blog na ito. Una, hindi ko alam kung kaya ko bang i-kwento ang mga madidilim na bahagi ng buhay ko na kahit ang mga pinakamalalapit na kaibigan ko, at mismong mga magulang ko ay walang nakakaalam.

 

Hindi ko rin alam kung paano ito tatanggapin ng mga nakakabasa. Ako mismo ay iba-iba ang saloobin tungkol sa mga isyung maaari kong ilahad sa blog na ito. Ngunit gayun pa man, maglalakas-loob ako na ilahad sa inyo ang aking mga karanasan na masasabing hindi pangkaraniwan.

 

Katulad ng sinasabi ng titulo ng blog na ito, oo, ako nga ay naging biktima ng rape. Nakakatawang isipin hindi ba? Kung paanong ang isang lalaki ay magsasabing siya ay biktima ng panggagahasa. Pero bago iyan, hayaan ninyong ipakilala ko ang aking sarili.

 

Ako si (nag-iisip pa kung anong gagamiting screen name). Ako ay nasa dalawampu't isang taon na at tubong Pampanga. Lumaki ako sa isang pamilya na may apat na miyembro. Ang aking nanay, tatay, kuya at siyempre ako.

 

Ang tatay ko ay isang chef sa isang restaurant sa Maynila. Minsan sa isang linggo kung siya'y umuwi. Ang nanay ko naman ay walang trabaho, kundi ang mag-alaga sa aming magkapatid. Ang kuya konaman ay mas matanda ng dalawang taon kesa sa akin.

 

Lumaki ako na ang nanay ko ay napakahigpit. Ngunit gayun pa man, mahal na mahal niya kaming magkapatid. Pero ang masama doon, dahil sa kagustuhan ng nanay ko na magkaroon ng anak na babae, ako ang pilit niyang ginawang babae. Lumaki ako na binibihisan ako ng nanay ko ng mga damit pambabae. Lumaki ako na mga manika ang nilalaro at hindi baril-barilan o kotse-kotsehan. Hindi ko naranasan na magbisikleta, magbasketbol at maglaro kasama ang ibang batang lalaki. Nanatili akong nakakulong sa loob ng bahay. Wala naman akong magawa dahil sa sandaling lumabas ako ng bahay, pamalo ang sasalubong o susundo sa akin.

 

Kung itatanong ninyo kung gusto ba ng tatay ko ang ganoon, ang sagot ay hindi. Hindi naman niya alam na ganuon ang sitwasyon dahil nga sa tuwing linggo lang siya kung umuwi at laging tulog buong araw tuwing day-off niya. May mga pagkakataon na bibihisan ako ng nanay ko ng damit pambabae at uutusang mag-astang babae at gisingin ang tatay ko sa ipit na boses at sabihing "Tay, babae po ako.".

 

Naaalala ko noon, may isang pagkakataon na pumunta kami sa isang resort at pinasuot ako ng nanay ko ng itim na bathing suit. Wala akong magawa dahil palo ang aabutin ko kung sakaling tumanggi ako. At kung piliin ko mang mapalo naman kesa magsuot ng bathing suit, papaluin pa rin ako hanggang isuot ko iyon. Kaya naman wala akong choice kundi sumunod.

 

watch nyo tong vid nato...pero hindi yan sya ha...

this kid in the video is not gay...pinapagawa lang sa kanya Mom na maging girl...as reported in the news in taiwan...

http://www.youtube.com/watch?v=xKJ5QTy-FWk&feature=player_embedded#!

 

Nakakatawa, hindi ba? Ngunit hindi naging madali para sa akin ang ganun, dahil bilang bata, mahirap ang makatanggap ng mga panunukso mula sa aking mga pinsan at pati na rin mula sa aking sariling kuya.

 

Nagpatuloy ang ganoong ugali ng nanay ko hanggang makatapos ako ng elementarya. Sa awa ng Diyos, nahinto iyon ng tumungtong ako sa high school. Ngunit dahil nga sa hindi ako nasanay sa mga mabibigat na gawain, hindi ko naranasang maglaro ng kahit anong sports, naging malamya ang aking mga kilos (na unti-unti ko nang nabago sa paglipas ng panahon) at hindi man lang tinubuan ng malalaking muscle sa katawan, maliit ang mga bisig at walang nakabukol na muscle ang likod ng binti.

 

Maraming pagkakataong tinatawag ako ng mga tao ng miss o ate. Na natutunan ko ng mabuhay ng kasama ang ganun.

 

Nung ako'y nag-aaral pa, hindi maipagkakaila ang naging epekto ng pagpapalaki sa akin ng aking nanay. Malamya ang kilos, lampa at laging mababa ang marka sa subject na Physical Education kung saan puro sports ang basehan ng grades. Laging puro babae ang kasama ko at hirap akong makihalubilo sa mga lalaki lalo ng kung mayabang ang mga ito. Lagi tuloy akong tampulan ng tukso ng mga kaklase kong lalaki na walang magawa sa buhay.

 

Hindi ko nalang sila pinapansin dahil ayokong makipag-away. Hindi dahil takot akong masaktan sa pakikipag-away kundi dahil ayokong lalo pang dumami ang nanunukso sa akin. Alam ko kasing kung makikipag-away ako, kakalat lang ang usapan tungkol sa dahilan kung bakit nagsimula ang away.

 

Hindi ko naman sinisisi ang nanay ko kung bakit nangyari sa akin ang ganong mga bagay dahil alam ko namang biktima din siya ng pagnanasa na magkaroon ng isang anak na babae. Medyo minalas nga lang ako dahil ako ang napili niyang gamitin para maisakatuparan iyon.